Nakiki ads

THANK YOU FOR SUPPORTING MY BLOG, DONATE BY VISITING THE ADS BELOW

Mensaheng NAKAKA for the WEEK

Penge naman po akong FANSign tapos pki send sa iamkikilabotz@gmail.com eehehehe. maraming maraming salamat

Sunday, May 20, 2012

Outbreak Manila 2012, Pag atake ng mga Zombies sa Pinas

Ang post kong to ay kagaya ng mga pulis sa mga lumang pelikulang pilipino,  late  na kung dumating. Hehe. Pero kwento ko lang nung minsan naimbitahan ako ng isang kaibigan na sumali sa isang event na tinawag  na Outbreak Manila. Kakaiba ito sa usual na Fun run, this time may mga zombies na hahabol sayo. Kaya I grabbed the opportunity lalo na at first time pa lang itong gagawin sa pilipinas.

Bago ang lahat, dapat may preparasyon. Kaya nga dumaan muna ako dito


kain ispagheti pampahaba ng buhay



Kasama ang ilan sa mga bloggers, Kahit malayo ay sumali kami sa nasabing event. Syempre dapat may costume. hahaha. At dahil sa wala akong costume, Simpleng jacket lang ang isinuot ko, ayun! yung simpleng jacket, nagsilbing John Lloyd Cruz  look alike. bwahahaha wag na kumontra.

naligaw, nagtatanong sa pulis





Syet sobrang daming seksi, hahaha. Pati mga zombies na babae grabe ang  kaseksihan.  Argghhh!! naiisip ko parang gusto maging PLANT . hehehe.  Wala lang gusto ko tiratirahin ang mga babaeng Zombies. Lol. joke lang.

hindi po ako ang nangrape sa knila

hindi rin po sa kanila, 

hindin po ako ang nangrapee. grrrrr.



wooooow! wala lang sinama ko lang to ang seksi seksi eh. hehehe. Christine Reyes, pahawak naman. hahahahaha. 

Grabe, takte! Hindi ako makapagconcentrate magtype! hahaha. Bakit ko ba kasi siningit tong picture ni Christine Reyes. hahaha. Amp! Nasan na ba ako? Syet! haha

Hahaha, dun ko napatunayan na mainit pala talga sa pilipinas, Ukinininay na jacket yun, walang talab. hahaha. Mukha akong tanga. Tirik na tirik yung araw nakajacket ako tapos may tshirt pa sa loob. Ako na!! ako na talaga ang hunghang. hehe.

Despite sa nadapa ako, hahahaha. Sabi ko sa inyo ako na talga tanga eh. haha. Ayun natapos ko naman. At syempre dahil magaling ako ayun nakarating ako sa finish line na meron pang natitirang life points.




hugis puso ang sugat. oha! kaya niyo yan? sinadya ko talga madapa para may hugis pusong sugat. sytle yan. hahaha




im alert alive awake



hula ko lang iccrop nila to. bwahahaha

kikilabotz style, camouflage




All in all, Astig. Sobrang saya . hehe. Sana next year maulit ulit. hehehe. Gusto ko magka medal. sayang hindi ko kasi alam na dapat mabilis matatapos. hehehe.  Ayun. The End. bwahahaha


panuorin niyo yung video para sa mga highlights



Wednesday, May 16, 2012

Si kikilabotz sa totoong buhay

Hahaha, wala nanaman akong magawa , kaya nag isip ako ng magandang trip. At since itong blog na ito ay personal blog ko. Naisip ko na ilathala dito kung sino si Kikilabotz sa totoong buhay. Ayun. Kaya I invited Few random people na kilala ko sa totoong buhay to describe me sa pagkakakilala nila. hahaha.

Ayun , at ito yung mga nakuha kong sagot nila.




CLOSE FRIEND 1

First impression q, tahimik. May konting hiya siya sa katawan nya nung mga panahon na yun.

Physically he's ok, lab n lab q yung big cheeks nya, tas yung giant nose nya na kayang singhutin ang 50% ng oxygen sa mundo at ang favorite part q eh ung big and healthy tummy nya. ^_^
Yan ang mga asset ni kikilabotz na hindi dapat mawala sa kanya kasi nakapagpapasaya xa ng ibang tao, tulad ko..haha

Sa attitude nya, wla akong masabi kasi super bait nya, mapagbigay at mapagmahal sa ibang tao, ewan q kung bakit sa kin e hindi nya un magawa..wala akong natanggap sa knya kundi puro panlalait at pangda-down sa mga bagay bagay, minsan iniisip ko kung bakit q ba xa naging kaibigan..hahaha
Pero kidding aside, i'm blessed to have this in my life, he's one of a few person whom i can show the real me.
wla naman akong maitago sa kanya, pati lablyf ko alam nya.hehe

So sino siya para sa kin, ito talaga yung tanong nya eh, ang haba lng ng introduction q.haha
Well he is a one lucky guy because we became friends, its been a year and a month. I was one of God's present to him nun bday nya.haha

Seryoso na nga, si kikilabotz po, mahirap mang tanggapin, ay isang hulog ng langit para sa kin, haha, xet nasabi ko din. haha
Hindi man kapani-paniwala, khit sa sarili ko nahirapan akong tanggapin yun.
He's one of a few people who manages to cheer me up whenever i'm down,makita ko lang cheeks nyan ok na ulit aq. Sa dami ng kebigan nya, ewan ko kung papano nya pa nahahati yung oras nya para sa kanila. maliban dun libo libo pa fans nya (abot tenga ngiti mo noh, puring puri kita dito eh).

So yun lang poang mahal kong kaibigan na chickboy, I admire him for he fears God and He blesses so many with his kind heart. chos!

Sana sa kin din maging kind ka paminsan minsan..haha


CLOSE FRIEND 2

Siya ay matangkad.
Malaki ang kanyang butas ng ilong.
Mataba ang kanyang cheeks i mean mapisngee xa. (totoo to no stir) Haha.
Malakas ang kanyang dating, tama..kaya kumapit ka kasi mahangin to eeh. Sobra.
Hahahaha. Dinaig pa niya ang tornado at Hurricane. Hehehe.
Madame po siyang alam gawing kalaokohan pero mas madame siyang ginagawang kabutihan. Nuks.
Hooraaay. hehe
sa pagkakaalam ko ulet ay siya ay may mabuting puso.
Napakabait, mapagbigay, mapagmahal at maaruga sa lahat ng magagandang babae na kanyang nakikilala.
Tama, maganda..sa Maganda lang. Haha. Joke.. ^_^
Above all he have faith in God which makes all his imperfections perfect in the end.
Wala man sa itsura pero ang taong ito ay may paniniwala at takot sa Diyos. Maniwala kayo. Hehe :P
Marami na din po sya na natulungan, isa na ko dun.
Wala man nga sa itsura pero maniwala ulet kayo. Hahaha :D
Para sa akin ay isang mabuting kaibigan, kapatid, kapamilya, kapuso at higit sa lahat maaasahan sa
lahat ng oras. ^_^



STUDENT NURSE

Sya yung aakalain mo sa una mayabang, snobero & Etc. pero pag nakilala mo siya mapapahanga ka kase yung masunget, mayabang, snobero kabaligtaran pala Makulet siya, kahit hindi mo pa siya kaibigan magiging kaibigan mo kasi ang cool nya. Hindi hadlang sa pagiging kaibigan sakanya yung kung ano ka. Minsan nga lang sobra na kakulitan nya at minsan mayabang siya :)))))) Tungkol naman sa panlabas nyang kaanyuan Hindi siya gwapo, Hindi siya maputi pero mapapatingin ka sakanya kase My dating siya. Yung tipong hindi nakakasawa tignan yung pagmumukha nya Lalo na yung pisngi nya Inshort Cute siya lalo na pag nag'smile

SUPER INTERNET FRIEND


pwede yan icompare sa EPINEPHRINE, nagbibigay buhay, nagbibigay saya. Hindi lang sakin, kundi sa lahat ng mga followers nya. Kung problemang puso lang naman, malamang expert na yan! Siya yung tipong mag increase ng heart rate mo at force of contractility nito pag feeling mo pagod ka ng lumaban at gusto mo ng maggive in. as an adrenergic, siya din ang magsserve as bronchodilator mo kapag suffocated ka na sa lahat ng pollution sa buhay mo. Try mo magpaconsult, free lang naman e. Just make sure ready ka sa mga side effects nya. Tremors dahil sa katatawa sa mga jokes at kakulitan nya. Magddilate din ang pupil mo. Sa gwapo ba naman na yan, ewan ko lang kung di talagang lumaki ang mga mata mo pag nakita mo siya!? And last but definitely not the least, you’ll have excessive sweating as he is sooo damn hot!


NEW FRIEND


 sa totoong buhay ay masasabi kong "ideal man", no hidden feelings lol. Isa siya sa mga hinahangaan ko hindi lang sa pagba-blog kundi pati na rin sa totoong buhay. Hinahangaan ko ang pananaw at attitude niya towards everetheng. Cool at punong-puno ng sense of humor. Lahat ng sinasabi niya may relevance kahit minsan ay pabiro at sa malokong istilo idinadaan. Solid ang mga banat, siguradong lahat mapapalike. Sweet, loving and caring yan, hindi man sa 'kin, alam ko na ganun siya sa taong mahal na mahal niya. At first akala mo chickboy. Pero ang totoo at hindi kapanipaniwala eh loyal yan magmahal. Kaya kapag nasaktan ay ganun din kabongga. Na-appreciate niya ang bawat ganda naming mga kababaihan (oo dapat kasama ako). At open siya sayo kung gaano niya naappreciate yung value mo as a person and as a friend. Approachable at mababatid mo na nakikinig siya sa mga sinasabi mo. To the rescue lagi kapag kailangan mo ng tulong niya. Reliable siya sa mga panahong ganyan. Hindi sapat ang text sa kanya para lang malaman kung okay ang kalagayan mo, ume-effort sa tawag para tulungan ka talaga. Sa likod ng makulit at palabirong personality niya ay nagkukubli naman ang kanyang golden heart, oha. Napakalalim ng faith kay Lord, kahit minsan di halata. Siya ang great influence ko kayo ko nadiscover ang The Feast na naging isang malaking blessing sa buhay ko. Dahil sa kanya  nag-iba ang perspective ko sa mga lalaki (yes gumaganun talaga). Kasi hindi naman purkit maloko, mabiro, makulit at iba pang MA- ang mga lalaki ay ganun na ang buong pagkatao nila. Meron silang worth and value na kailangan mong makita not just with your eyes but also with your heart. At for the finale, si Marvin ay gwapo sa totoong buhay. Walang halong biro at pang-uuto 'yan.

College Clasmate

 head turner yan eh.haha.GWAPO db?..gaano ko kakilala tong taong 2 actually di kame close haha.naging ka group ko lang sya sa isang duty during a collage days..mukulit din pala ibang iba pag nasa na class tahimik kasi sya pag nasa classroom (pero di ko sure, di nga kame close) hahaha.dun nlng ako mag pofocus sa physical aspect nya.eto'y balita lang nman..may dalawang babae noon na nag sasabi na girlfriend daw sila ni kikilabotz..haha diko sure sino sakanilang dalawa ang nag sasabi ng totoo! Hahaha.may isa papala, may hidden talent pala si Mr. KIKILABOTZ mag sulat nbasa ko yung mga blog nya sa friendster (uso pa kasi nun friendster) at magaling sya talga mag sulat! Puro pag bubuhat ng bangko ang nasa blog nya! Kung gano daw sya ka cute, at may kumukuha pa daw ata sakanya mag ARTISTA! At naisulat din nya ang mga karanasan nya sa araw2 Haha.pero dahil dun na inspired ako mag sulat.nag sulat ako once at thankful ako siya ang kaunaunahan at huling pumuri ng gawa ko.may talento talga sya sa pagsusulat.akala ko puro mukha lang ang meron siya pero hindi pala complete package na! Haha ganyan pag kakilala ko sanya

College Friend

I’ve known him since our college days. A good-looking guy (ahem...) with fantastic sense of humor and abundant cleverness (ahem ulit...).He has a great sense of style (daw...) and overflowing sex appeal in girls (agree?!...) Lage nyang pinagmamalaki ang mga celebrity look-alikes niya, like Tyrone Perez, Xian Lim etc. He’s a very adventurous person who loves travelling (sa tingin ko lang). He loves computer games and blogging (tama?!). He’s a very funny person; we spend our time laughing whenever we’re together. Never kang mabobored kasama sya, sobrang dami niyang alam (na kalokohan). Whenever I ask something, he wouldn’t seriously response. And lastly, yung obsession niya sa mga pretty girls (hindi mawawala yun).
But seriously, he‘s a very inspiring person who has a lot to say when it comes to life. Overall he’s been a good person and a good friend to me. Someone who never fails to remember. Someone you can always count on. And I’m thankful knowing such a great person like him. ^_^

BLOGGER FRIEND

aka kikilabotz , ang unang blogger na naka EB,,,isa cyang cutie at matangkad na nilalang,,,tahimik sa personal?minsan haha...pero enferness pwede cyang maging model ng toothpaste dahil sa knyng KILLER AT MAPANUYANG SMILE
mareklamong bata dahil binigyan ko daw cya ng expired duryan kendis haha

BLOGGER BESTFRIEND

Maloko, malisyoso, babaero. Yan ang una kong impression nang minsang napadpad ako sa blog ni Kikilabotz (kabaligtaran ng sinasabi sa url ng blog niya). Pero napatunayan ko na ilan lang (wow tatlo lang naman, kaw na bahala mamili) dun sa nabanggit ang totoo kapag nakilala mo na si kikilabotz. Mabuting kaibigan. Hindi siya magdadalawang isip na samahan ka lalo na kapag nararamdamang niyang kailangan mo ng kasama. Makikinig siya sa’yo, as in eye to eye pa ang style.Tapos mamaya sisingit ng konting kalokohan para mapangiti ka. Positive person. Kapag kausap mo siya, parang lahat may sagot. Parang lahat ng mahirap, madali. Ganun siya. Observant. Patahi-tahimik lang yan, tas yun pala kahit sugat mo sa paa e napapansin na. Kaya minsan nakakaconscious siyang kasama. Ang gusto ko sa kanya, hindi siya kiss and tell na tao. Madalang nga mag-share ng love life yan eh, as in. Pero positive naman yun sa’kin kasi mararamdaman mo yung respeto niya sa karelasyon niya kahit pa minsan nasasaktan na siya. Malandi. Parang siya si Lufet sa sinulat niyang I love you ipis ipis very much. Mahilig din sa mga banat banat. At tulad din ni Lufet alam ko wagas yang magmahal. Gagawin kasi niyan lahat para sa babaeng gusto niya.


FORMER LOVER

in real life, he is my soulmate (walang kokontra dahil aware siya don) he is a really nice guy na mahilig sa spaghetti at magaling magluto ng spaghetti and Im so lucky na natikman ko yon. Its priceless!!! He never fails, he always makes his friends and family happy. Napakalakas kasi ng sense of humor ang taba taba ng utak nya hehe.. May goal sya ang daigin si dora sa pagkalakwatsera hehe. Napaka-adventurous nya sobra He is also a good adviser minsan na nya ko napayuhan at napagsabihan pero hindi padin nababago reaction ng mukha nya mukha padin MABAIT naks!!! all in all I'm so lucky to have met someone like HIM Mabait, Masipag, Maasahan, Funny, Caring & Loving sa kapwa nya thats all

FAMILY MEMBER

ikaw ang pinakamakulit at pinakagwapo kong kuya


sana may napala kayo sa pagbabasa. bwahahahahaha. . kung wala naman kindly visit here MAGUGULAT KA SA MALALAMAN MO


haha pki add sa link nyo, alam  niyo na kumikitang kabuhayan natin. hahaha. salamat guys sa supporta at sa like

Wednesday, May 9, 2012

Avengers Versus Justice League Basketball Edition

kung nagtatanong kayo kung sino talga ang mas magaling, kung avengers ba o yung justice league , hahahaha. ito yung video na ishashare ko. Paasensya naman, fan lang talga ako ng basketball at ng mga super hero kaya nung pinagsama hindi ko na napigilan ishare. kudos sa gumawa ng video na ito.


Wednesday, April 25, 2012

Banatan sa Damuhan Bengbeng





Inihahandog ng “ Kwentong Nakaka ni Kikilabotz’s production” ang taunan at makabagong paraan ng pakikipagbalagtasan.

Ang tema, PANITIKAN 2012.

Buksan ang PANanaw
Ilabas ang TI wala sa sarili
At simulan na ang KAN tyawan

wooooooooohhhhhhhh

Dahil walang kuryente sa loob ng ating ipinagmamalaking gusali, minabuti namin na dito na lang ganapin ang pinaka mahalagang kaganapan ng ating paligsahan. Dito sa walang kakati- kating mga damo at pinaganda pa ng mga  kumukuti kutitap na mga kulisap.  Sa lugar na tinatawag naming Damuhan bengbeng
At ngayon, taas nuo naming pinagmamalaki at itinatampok ang tagisan ng galing ng dalawang manlalaro para sa kampiyonato .
 Ang dalawang kapitapitagan na may matatalas na isipan at papanalita.

Sa aking kaliwa, Ang sikat na sikat na si Buy Banat
(palakpakan)
Sa aking kanan, si Pepeng Pag-ibig
(palakpakan)
 Ihandaaaaaaaaaa naa annnng mga sariliiiiiii at simulaaaaann naaaa ang Banatan sa Damuhan Bengbeng!!!


Ang mauuna ay si Buy Banat

“  hoy hoy Pepeng pag ibig,
Wag ka muna diyan masyadong maligalig.
Di porket kumain ka ng adobo’t  pinipig
Maganda na mga salita lalabas sa iyong bibig
Pwede ba, huwag ka munang magalit
Baka muka mo mas lalo pang pumangit
Hindi naman kita nilalait
Pero bakit kaya sayo’y walang gustong lumapit
Patingin nga ng mukha mo sa malapit…
Aguy..saksakan nga ng panget
Para kang taeng malagket
Na nakadikit, sa maitimim na puwet!"


Oras na!! pepeng Pag ibig pagkakataon mo na!

“Hola hola hola!
Salamat sa iyong pambobola
Akoy  lumilipad na parang saranggola
Babawian kita, mag tago ka na sa palda ng iyong lola

Hoy hoy hoy!
Babanat  ka pa boy!
Teka muna! Ikaw ba yung nangangamoy?
Dapat sayo sinusunog sa nagbabagang apoy
Hoy boy ,Para hindi ka na makapinsala
Dahil amoy na yan, sobra ng malala
Babango ka pa ba?
Yan, yan ang  kailangan ng himala

Hindi ba talaga uso sayo ang maligo?
Nung nakita kita, napamura ako akala ko maligno
Kaya nga ayaw kita ituro,
Lam mo kung bakit? Baka isumbong mo ko sa mga kaibigan mong nuno  sa punso”

Oras na!   Buy Banat ! pagkakataon mo na ulit!


“ di mo kaya ang galing ko dito sa panitikan
Dahil ang mga banat ko, hinuha ko pa sa silid-aklatan.
Kaya nga wala kang karapatan, lumaban sa aking harapan
Dahil mga banat mo napulot mo lang sa may basurahan
Ako ilang beses na bigyan ng parangal ng ibat ibang kagawaran
Sa galing kong bumanat ako ang nagiisa sa  may unahan”

Pepeng pagibig ikaw naman!

“ magaling ba kamo sa panitikan?
Ikaw!? Baka magaling magnakaw ng panti ni kwan!
Maraming parangal?
Pwede bang umangal
May nalalarawan ka pang kagawaran,
San ang ebidensya, nasan ang larawan?”


Ennnkkk!! 

Ang Resulta....

 Tabla!! Walang nagwagi! Hahahaha.

 
Pabaon na Banat mula sa paborito kong bayani
Masasabi mo bang mas malansa pa ako sa galunggong ang aking amoy, kung mas mahal pa kita kaysa sa sarili kong wika?



ang post na ito ay isang pagsuporta sa munting pakulo ng damuhan.  Makikita ang ibang detalye dito

Friday, April 6, 2012

Everyday is a brand new day

Ako yung tipo ng tao na kahit gaano pa kalate matulog, nagigising pa rin ng maaga.
Ako rin yung tipo ng tao na kapag nagising na, natutulog ulit. damn it. hehe

Making me realized na  sa buhay, hindi naman talaga mahirap magising sa katotohanan, ang minsang mas mahirap eh yung bumangon  mula sa minsan rin na naging mapait na katotohanan. (nosebleed)

No choice, Bumangon ako, Hinanap   yung hinayupak na Alarm clock  para patayin. Sa tingin ko nga, kung may buhay lang talga ang mga alarm clock, marami ng tao sa mundo  ang kriminal ngayon.

Making me realized again, na minsan kung sino pa yung tao na  madalas tumulong sayo na magising , madalas sila pa yung masama sa paningin natin,  at madalas, sa kanila pa tayo nagagalit.


Tumingin ako sa oras, tapos napamura ako, sabi ko "Damn. Im so late!" wala lang. makapag english lang sa umaga.hehe

Relizing na, hindi ka hihintayin ng oras at ng panahon. Move! kasi kung hindi ka gagalaw, mapag iiwanan ka

Nagmadali ako  pumunta sa banyo para maligo, binuksan yung gripo, ang lamig ampota! Kinuha yung tabo, Natakot magbuhos! Nag isip muna  kung saan ba uunahin paa o ulo, after ten minutes. Nakapag decide, Para sure yung ulo na lang sa baba. hehe. Nagbuhos, gininaw. brrrr. nagbuhos ulit, tapos nagbuhos ulit. tapos nagpunas na ng twalya? hahaha.tatlong buhos lang tapos na? di na nagsabon?  haha


Reminded me , na kapag may isang bagay akong natatakot gawin, dapat tandaan ko na , always, yung first try  ang pinaka mahirap, The rest sisiw na.

Nagbihis ng  pampasok, nagsipilyo. Tumingin sa salamin.

Making me realized , Damn ang gwapo ko talaga. hahaha.

Umalis na ng bahay, sumakay sa jeep, nagbayad ng  pamasahe, tapos  yung katabi ko sabi " Bayaaaaaddd" (with feelings pa pagkakasabi!) awwwwtss, ukinam! ang bango ng morning breath, nasinghot ko abot hanggang pituitary glands.  Sarap sikuhin sa mukha ni kuya.tapos parang gusto ko kumain ng tae tapos sasabihin ko " kuyaaaa sukkkliiiiiiii" damn it.

Dun ko lang napagtanto na, Mahalaga pala talaga ang lahat ng lumalabas sa bibig, kaya panatilihing mabango. Kung walang magandang masasabi, mas mabuting manahimik ka na lang, Sa simula kapag ikaw yung madalas nagsasabi ng masasakit at di magagandang bagay, in the end ikaw din yung mabahong hininga.

Pumasok sa trabaho, sobrang sipag, hindi nagpapahinga, hindi man lang umupo. sobrang busy hindi na nagmeryenda.. nagpakatoxic. nag over time. ginawa na rin yung trabaho ng kasama. pati trabaho ng hindi kasama ginawa na rin. Joke lang.. hehe
MALE, Huwag tularan. lol

Based sa picture ko, ang sipag sipag ko  talaga magtrabaho noh?, super!! narealized ko tuloy na  MALe ang matulog sa trabaho. hahahaha.



After ilang oras sa trabaho, Ayun sa wakas uwian na. heheh. sumakay ulit ng jeep , pero this time hnd na ko humihinga, mahirap na baka maulit.hehe

Paminsan minsan, Hindi naman masama ang magkamali. Ang masama eh yung alam mo na ngang mali, ginawa mo pa rin.

Nakarating sa bahay, nagpahinga ng konti, tapos naligo na,  Yung maraming maraming buhos na, ska nagsabon na, saka nagshampoo na,

Wala lang gusto ko lang, may angal?

At the end of the day, I learned one very important lesson

Kahit gaano man kasarap matulog, best memories ay hindi yung time na natutulog tayo, Kundi yung mga time na we spent awake.




before i end this post, gusto ko sana mag iwan ang isa sa mga favorite quotes ko, Hoping na magustuhan ninyo.

Today is never too late to be brand new

Thursday, March 22, 2012

Ang Idol Kong Basketbulero

Sabi ko nung bata pa ako, paglaki ko kung hindi ako magiging basketball player, mag aartista  na lang ako. Pero naging mapait ang tadhana. Hindi nila ako napagbigyan sa aking mga pangarap..

Pero meron akong isang idolong basketball player dito sa Pilipinas. Hindi lang dahil sa magaling siyang player at naging bahagi na ng ilang championships at nagawang irepresenta ang bandila ng minamahal nating Pilipinas kontra sa ibang bansa. Meron pa siyang isang talent na wala sa ibang player ng Pilipinas. Ito ay ang talent niyang umakting.

watch it here



Sa tingin ko lang ha? kapag lahat ng basketball player eh ganyan kagaling umakting. Di malayong makauwi ang pilipinas ng ginto sa olympics. Sa tingin ko lang.

Tuesday, March 20, 2012

Hey its me!

'Knock! Knock!

"Husder?

'Hey its me!

"Hey its me who?

'pakyu! Its me Kikilabotz, open the door

"pakyu ka din! Eenglish english ka pa kasing nalalaman..

Alas onse y media ng gabi, ito ako, nasa harap ng computer. nag iisip ng magandang mga words na pwedeng gamitin to describe who I am today. Matagal tagal na rin akong nawala dito sa blog  ko and I dont know kung meron pang natitirang readers dito.

Lately , Mga several months ago, naipit ako sa isang napaka makabagbag damdaming dilemma ng aking buhay. hehe. Sabihin mo nga ng mabilis,  nakakapagpabagabag. Hirap diba? parang ganun.


Yung feeling na ginawa mo na lahat pero wala pa rin
yung feeling na parang meron kang nakahahawang sakit kung maitulak palayo
yung feeling na naghintay ka ng matagal, tapos malalaman mo wala ka na palang hinihintay
Yung feeling na ang haba ng pinila mo, tapos may ibang sumingit.

Yung feeling na ganyan, hindi ko iniinda. Wapakels lang ba. Until, yang mga yan, gawin sayo  ng taong nagmamatter sayo ng sobra. Damn! Ang sakit pala.



AKA Mr mahangin. Aminado ako, mayabang akong tao,pero yung mayabang na nasa lugar, sa lahat ng lugar. haha. . And I remember a scenario of my life na hinde ko makakalimutan. Ito yung nakikipag kwentuhan ako sa kaibigan ko. Dahil nga close kmi, though I consider my love life very private, kinukwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Then an amazing moment came. Nagyayabang nanaman kasi ako nun, sabi ko.

Ang gwapo gwapo gwapo  ko ,parang obra. 
Madaming madaming girls ang nahuhumali sa akin. Sobra
gustong maangkin ang aking batuta, torta at cobra
parang kotse lang , gusto nila sila ang mag maniobra

and then my friend replied. " ganun naman pala eh, bakit ka pumipila"

Napahinto ako sa kayabangan ko,at that time hindi ko pinahalata, iniwasan ko pumikit cause I know the moment na mapikit ako, hindi ko na mapipigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata.I keep on telling myself na " hey kikilabotz, tama na, sobra na, kawawa ka na. " pero ang puso ko sabi" kiki try mo pa ng isa"

Haayy Ang mahirap sa pagibig ay yung AMPALAYA... AM PALAYAIN ang mahal mo...kasi alam mo hindi na siya babalik.

As of today, It was the greatest fall of my life and make me realized that sometimes  yung dreams natin sobrang taas. And then darating yung time  na  we may fall, yung time na masasaktan tayo. Pero hindi para saktan tayo and stop dreaming. Kundi para gisingin tayo sa katotohan and to make our dreams a reality...   hanu daw???

For how many months, mas ginusto ko mapag isa.Para makapag simula ulit, kaya lagi ako nagkukulong sa kwarto at nagsasarili eh. lol joke lang.Nagpatulong ako dun sa pusang laruan na walang tigil kung gumalaw yung kamay. ALam niyo yun?  hahaha. somehow I felt  relieved pa rin naman. nyhahaha.  Dun ko napatunayan na ang love ay parang balbas. kahit anong bunot o ahit mo darating ang time  na tutubo at tutubo ito ulit. And sometimes para na sa ibang tao. yung mas nararapat sa pagmamahal mo.

Simula ng nawala ako, marami na rin ang nabago sa akin. Ang dating chubby,  ngayon hunk na
 ( Hunkapal ng mukha), and dating sintunado ngayon member na ng isang banda ( jan ka lang banda)
o diba aminado ako. hahahaha.

Last week nanuod ako ng Unofficially Yours, Grabe, nakarelate ako. Kamukha ko pala talga si John lloyd.hahaha. Pero not just that. Kagaya ng story, I experienced the same kind of love life, except for the "sex only relationship" part which I hoped it does. nyahahaha. The only difference is yung  ending, yung  sa kanila happily ever after, yung sa amin  ikaskas mo muka mo sa pader after.

Naalala ko yung pinagdaanan ko, yung hapdi, yung kirot, yung sakit,
yung mga bagay na hindi kinaya ng alaxan. di mo alam kung bakit,
 Narefresh nanaman. Yung mga alaala na nakakamatay, muling nabuhay.
And then I look back and said Thank God I survived , wala ba kayong mga kamay?

hahaha kanina pa ako nagrarap,
ganito pala  talaga kasarap
yung may bago ka ng pangarap
yung mamahalin mo ng tapat at walang pagpapanggap.

Marami man ang nagbago sa akin, Hey its  me! its still me.


 Akoy muling nagbabalik  Because Everybody Loves KIKI